MOFA: ang pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon ng buong daigdig

2024-02-27 16:19:46  CMG
Share with:

Kinondena kamakailan ni Punong Ministro Anwar bin Ibrahim ng Malaysia ang “China-phobia” sa mga bansang kanluranin. Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 26, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pananalita ni Punong Ministro Anwar ay sumasalamin sa mga adhikain ng mga umuunlad na bansa.

 


Ani Mao, ang pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon para sa buong daigdig sa halip ng banta sa sinuman. Buong tatag na nananangan ang Tsina sa isang malayang patakarang panlabas at tinututulan ang komprontasyon sa pagitan ng mga kampo at pagpili ng mga panig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil