Isang mahalagang puwersa ang puhunang dayuhan para pasulungin ang komong prosperidad at pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina at buong daigdig.
Ayon sa pinakahuling opisyal na datos ng Tsina, nitong Enero 2024, umabot sa 4,588 mga bagong dayuhang negosyo ang naitayo sa Tsina, isang taon-sa-taon na pagtaas ng 74.4%. Sa kabila ng mababang paglago ng ekonomiya ng daigdig, mainit na tampok pa rin ang Tsina para sa mga kumpanyang dayuhan.
Bakit namumuhunan ang mga kumpanyang pinondohan ng dayuhan sa Tsina?
Ayon sa pagsisiyasat ng HSBC Holdings PLC ng Britanya, 87% ng mga kumpanyang nasa ibang bansa ang nagsasabi na palalawakin nila ang kanilang negosyo sa Tsina. Kabilang sa mga dahilan ay ang patuloy na pagbangon ng ekonomiyang Tsino at napakalaking bentahe nito sa merkado. Sa palagay ng mga kompanyang dayuhan, ang mga bentahe ng pagmamanupaktura ng Tsina, laki ng merkado ng mamimili, didyital na ekonomiya, at mga pagkakataon sa larangan ng sustenableng pag-unlad, ay ang mga pangunahing puwersang tagapagpasulong para palawakin nila ang kanilang layout ng negosyo.
Sa isang pulong na ginanap kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina, iminungkahi na ang pagtatatag ng dayuhang pamumuhunan ay dapat maging isang mahalagang pokus ng gawaing pang-ekonomiya sa taong ito, at pag-aralan at isagawa ang mga hakbangin sa patakaran para hikayatin ang mga dayuhang pamumuhunan.
Tinukoy ng tagapag-analisa na kasabay ng pagpapalabas ng kinauukulang patakaran, tiyak na mas palalakasin ang saklaw ng dayuhang pamumuhunan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil