MOFA: dapat sundin ng Amerika ang mga prinsipyo ng market economy at patas na kompetetisyon

2024-02-28 15:44:42  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ng Nvidia, isang kumpanya ng paggawa ng mga chip sa Amerika, na ang paglimita ng Amerika sa pagluluwas ng mga chip ay nakakasira sa kompetisyon ng mga negosyo.

 


Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 27, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na ipinapakita ng mga katotohanan na ang “maliit na patyo at mataas na pader” ay hindi hadlang sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng Tsina sa inobasyon, ito rin ay hindi nakakabuti sa malusog na pag-unlad ng buong industriya, na kinabibilangan ng mga kompanyang Amerikano.

 

Ani Mao, ang Tsina ay isa sa mga pangunahing merkado ng semiconductor ng buong mundo. Walang sinuman ang may interes na hatiin ang merkado, pahinain ang katatagan ng pandaigdigang produksyon at kadena ng suplay, at hadlangan ang kahusayahan at pagbabago.

 

Sinabi pa niya na dapat sundin ng Amerika ang prinsipyo ng market economy at patas na kompetisyon, at suportahan ang mga kumpanya mula sa iba’t ibang bansa para pasulungin siyentipiko at teknolohikal na pag-unlad sa pamamagitan ng malusog na kompetisyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio