Kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, win-win ng Tsina at Amerika – Li Qiang

2024-02-29 14:42:43  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Pebrero 28, 2024 sa Beijing sa delegasyon ng U.S. Chamber of Commerce, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na may malaking komong kapakanan ang Tsina at Amerika at ang pagpapahigpit ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay win-win para sa dalawang bansa.

 

Aniya pa, ang patakaran ng de-coupling at "small yard, high fence" ay hindi angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Li na winewelkam ng Tsina ang patuloy na pamumuhunan ng mga kompanyang Amerikano sa bansa, at makibahagi sa pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina.

 

Umaasa aniya siyang magiging tulay ang U.S. Chamber of Commerce at mga mangangalakal ng Amerika para sa pagpapasulong ng mas maraming pagpapalitan at pagkaunawaan ng dalawang bansa.

 

Ang delegasyong Amerikano ay pinamumunuan ni Suzanne Clark, Presidente at CEO ng U.S. Chamber of Commerce.


Sinabi niyang nakahandang magsikap ang kanyang samahan para palalimin ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio