Ayon sa pahayag ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, nag-usap sina Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Valdis Dombrovskis, Pangalawang Presidenteng Tagapagpaganap at Komisyoner sa Kalakalan ng Unyong Europeo (EU), sa sidelines ng pulong ng World Trade Organization (WTO) sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).
Nagpalitan ng kuru-kuro sila sa Ika-13 Komperensyang Ministeryal ng WTO, relasyong pangkalakalan ng Tsina at EU, at mga isyung pangkabuhaya’t pangkalakalan na kapuwa nila pinahahalagahan.
Saad ni Wang, bilang mga tagasuporta sa multilateral na sistema ng kalakalan, kailangang samantalahin ng Tsina at EU ang pagkakataon ng Ika-13 Komperensyang Ministeryal ng WTO, para matamo ang mga pragmatikong bunga sa reporma sa pagresolba sa mga alitan, subsidy sa pangingisda, pasilitasyon ng pamumuhunan, at e-commerce.
Inihayag din niya ang pagkabahala ng Tsina sa trade remedy investigation na inilunsad ng EU, at mariing kawalang kasiyahan sa ganitong imbestigasyong walang batayan sa katotohanan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil