Nakipagtagpo, Pebrero 28, 2024 sa Beijing si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kina Tareq M. A. M. Albanai at Alexander Marschik, mga tagapangulo ng Intergovernmental Negotiations (IGN) on the United Nations Security Council (UNSC) Reform ng Ika-78 Sesyon ng UN General Assembly.
Ani Wang, kasama ng komunidad ng daigdig, nakahandang isulong ng Tsina ang reporma at konstruksyon ng sistema ng pangangasiwang pandaigdig, at katigan ang pagpapabuti at pag-unlad ng UN.
Suportado aniya ng Tsina ang pananaw ng dalawang tagapangulo hinggil sa pangmatagalang pag-unlad ng UN at komong kapakanan ng mga kasaping bansa nito, pagpapasulong ng reporma ng UNSC tungo sa tamang direksyon, pagpapalakas ng representasyon at karapatang magsalita ng mga umuunlad na bansa, pagdaragdag ng pagkakataon sa maliliit na bansa upang makisangkot sa pagpapasya ng patakaran, at pagkakaroon ng pakinabang ng lahat ng kasaping bansa ng UN sa reporma.
Hinangaan naman nina Albanai at Marschik ang pagsisikap ng Tsina para palakasin ang papel ng UN, paggigiit ng multilateralismo, at pangangalaga sa layunin at prinsipyo ng Karta ng UN.
Handa anila silang panatilihin ang pakikipag-ugnayan pakikipagkoordinahan sa mga kasaping bansa ng UN na gaya ng Tsina hinggil sa mga isyung gaya ng reporma ng UNSC.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio