Kinatawang Tsino: Agarang tigil-putukan ay komong hangarin ng komunidad ng daigdig

2024-02-23 16:18:07  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyu ng Palestina at Israel, idiniin kahapon, Pebrero 22, 2024 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na ang agarang tigil-putukan sa Gaza Strip ay komong hangarin ng komunidad ng daigdig at dapat maging komong palagay ng mga kasapi ng UN Security Council (UNSC).


Nauna rito, sinabi ni Zhang na bineto ng Amerika ang panukala na isinumite sa UNSC ng Algeria hinggil sa agarang pagkakaroon ng tigil-putukan sa Gaza Strip. Ito aniya ay nag-aksaya ng isang mahalagang pagkakataon para pasulungin ang tigil-putukan sa Gaza.


Saad pa niya na ang agarang tigil-putukan sa Gaza ay nakatugon sa pangkagipitang kahilingan ng internasyonal na komunidad at pagpigil ng paglaganap ng sagupaan sa pagitan ng Israel at Palestina.


Kaugnay ng bagong panukala na iniharap ng Amerika hinggil dito, sinabi ni Zhang na umaasa ang panig Tsino na isasabalikat ng panig Amerikano ang mga responsibilidad, susundin ang komong hangarin ng komunidad ng daigdig, at igagalang ang komong palagay ng ibang mga kasapi ng UNSC.


Tinukoy din niya na ang pagsasakatuparan ng agarang tigil-putukan ay nukleong aksyon ng UNSC at ang mga may kinalamang signal sa labas ay dapat maliwanag at tumpak.


Idiniin ni Zhang na matatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagpapalawak ng Israel ng aksyong militar sa Rafah at ang aksyon ng Israel aniya ay magdudulot ng napakalubhang kasuwalti sa mga sibilyan at makataong kapahamakan.


Sinabi pa niya na ang Gaza Strip ay isang di-mahihiwalay na bahagi ng Palestina at ang “two-state solution” ay esensya ng katarungang pandaigdig at tanging paraan ng paglutas sa isyu ng Palestina at Israel.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil