Nanawagan kahapon, Pebrero 27, 2024 si Dai Bing, charge d'affaires ng delegasyong Tsino sa United Nations (UN), sa komunidad ng daigdig na gamitin ang aktuwal na aksyon para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga sibilyan sa Gaza Strip at buong sikap na mapigilan ang pagganap ng malubhang makataong krisis sa lokalidad.
Sa pulong ng UN Security Council (UNSC) hinggil sa krisis ng pagkaing-butil sa Gaza Strip, sinabi ni Dai na noong isang buwang nakalipas, bumaba nang malaki ang bolyum ng makataong materiyal na tinanggap ng Gaza Strip.
Aniya, nanawagan ang panig Tsino sa Israel na aktuwal na isakatuparan ang mga tadhana ng Geneva Conventions at mga resolusyon ng UNSC na bukas ang mga tsanel sa lupa, dagat at langit para ligtas, mabilis at maayos na makapasok ang mga makataong materiyal sa Gaza Strip.
Saad pa niyang dapat aktuwal na garantiyahan ng Israel ang kaligtasan ng mga organisasyon at tauhan ng humanitaryan at ipagkaloob ang tulong sa mga gawain ng organisasyon ng humanitaryan sa Gaza Strip.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil