Habang dumadalo sa high-level segment ng Ika-55 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) via video, Pebrero 26, 2024, ipinagdiinan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na dapat gawing priyoridad ng lahat ng mga panig ang pangangalaga sa karapatan sa buhay at pag-unlad ng mga mamamayan.
Inihayag ni Wang ang pagtutol sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at pagsugpo sa pag-unlad ng ibang bansa, sa katuwiran ng karapatang pantao.
Aniya, dapat igalang ang nagsasariling pagpili ng iba’t ibang bansa ng landas ng pag-unlad ng karapatang pantao.
Dapat din igiit ang win-win na kooperasyon, at imungkahi ang pagtitipun-tipon ng komong palagay sa pamamagitan ng diyalogo, dagdag niya.
Diin ni Wang, dapat makatarungan at obdyektibong isagawa ng organo ng karapatang pantao ng UN ang mga gawain, at dapat maging plataporma ng konstruktibong pagpapalitan at pagtutulungan ng iba’t ibang panig ang mga multilateral na organo ng karapatang pantao.
Saad niya, sa mula’t mula pa’y ginagawang target ng pagpupunyagi ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino ang paghangad ng kaligayahan ng mga mamamayang Tsino, at pagsasakatuparan ng pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Sa ilalim ng pagpapasulong ng CPC at pamahalaang Tsino, natupad ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina ang napakalaking pag-unlad, at hinanap ang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na umaangkop sa agos ng panahon at aktuwal na kalagayan ng bansa, ani Wang.
Salin: Vera
Pulido: Ramil