PMI ng sektor ng manupaktura ng Tsina noong Pebrero, bumaba

2024-03-01 16:15:20  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Biyernes, Marso 1, 2024, umabot sa 49.1 ang purchasing managers' index (PMI) ng sektor ng manupaktura ng Tsina noong nagdaang Pebrero, at ito ay bumaba ng 0.1 kumpara noong Enero.

 

Ang PMI ay kumakatawan sa kondisyon ng kabuhayan.

 

Ang lampas 50 na PMI ay nangangahulungan ng ekspansyon, samantala ang mababa sa 50 na PMI naman ay nagpapakita ng pagliit.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil