Dalawang Shenzhou manned spacecraft, ilulunsad ng Tsina sa 2024

2024-03-01 16:34:36  CMG
Share with:

Ipinahayag Pebrero 29, 2024, ng China Manned Space Agency (CMSA), na sa taong 2024, pasusulungin nito ang aplikasyon at pagpapaunlad ng istasyong pangkalawakan at misyon ng manned lunar exploration ng bansa.

 


Sa kasalukuyan, matatag at maayos ang iba’t ibang gawain sa yugto ng aplikasyon at pag-unlad ng istasyong pangkalawakan ng Tsina, at maayos na sumusulong ang proyekto ng manned lunar exploration.

 

Sinabi din ng CMSA na sa taong 2024, sunud-sunod na isasagawa ang dalawang crewed spaceflight mission ng Shenzhou-18 at Shenzhou-19, at resupply mission ng Tianzhou-8 cargo spacecraft.

 

Inaasahan na babalik sa mundo ang taikonaut crew ng Shenzhou-17 sa katapusan ng Abril na nakatalaga sa istasyong pangkalawakan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil