Paglulunsad ng Shenzhou-17 manned spaceship, mainam

2023-10-26 15:20:48  CMG
Share with:

Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanlurang Tsina - Sakay ng Long March-2F carrier rocket, matagumpay na inilunsad alas-11:14 ng umaga, Oktubre 26, 2023 ang Shenzhou-17 manned spaceship.

 


Makaraang pumasok sa takdang orbita, isasagawa ng nasabing sasakyang pangkalawakan ang indipendiyente’t mabilis na pagdaong sa kombinasyon ng space station, ayon sa nakatakdang prosedyur.

 


Samantala, hahalinhan ng tripulante ng Shenzhou-17, na sina Tang Hongbo, Tang Shengjie at Jiang Xinlin ang mga tripulante ng Shenzhou-16 sa orbita.

 


Sa kanilang 6 na buwang pananatili sa kalawakan, isasagawa ng mga tripulante ng Shenzhou-17 ang mga extravehicular activity, at mga in-orbit na pagsusuri at pagsubok sa siyensiya’t aplikasyong pangkalawakan.

 

Ito ang ika-30 misyon ng paglulunsad, sapul nang isagawa ang manned space program ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio