Mga tripulante ng Shenzhou-17, pumasok na sa Space Station ng Tsina

2023-10-27 16:36:09  CMG
Share with:

Matagumpay na dumaong alas-5:46 ng hapon, Oktubre 26, 2023 ang Shenzhou-17 spaceship sa front port ng core module Tianhe ng Space Station ng Tsina.

 


Pagkatapos nito, maluwag na nakapasok sa Space Station ang tatlong taikounaut ng Shenzhou-17 na sina Tang Hongbo, Tang Shengjie at Jiang Xinlin.

 


Hahalinhan ng mga tripulante ng Shenzhou-17 ang mga tripulante ng Shenzhou-16 sa orbita, sa loob ng halos 4 na araw.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil