Ayon sa Departamento ng Kalusugan ng Palestina sa Gaza Strip, Pebrero 25, 2024, halos 30,000 Palestino na ang nasawi, at halos 70,000 iba pa ang nasugatan sapul nang sumiklab ang bagong kabanata ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel mula noong nagdaang Oktubre.
Nang araw ring iyon, patuloy ang pagsalakay ng puwersa ng Israel sa maraming pook ng Gaza Strip, na ikinamatay at ikinasugat ng ilampung katao.
Samantala, inihayag ng isang personaheng pang-impormasyon ng Ehipto, na pangunguluhan ng Qatar, sa loob ng linggong ito, ang talastasan sa tigil-putukan ng Hamas at Israel.
Pero hanggang sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag tungkol dito ang Qatar, Ehipto, at Israel.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Kinatawang Tsino: Agarang tigil-putukan ay komong hangarin ng komunidad ng daigdig
CMG Komentaryo: Amerika, pinakamalaking hadlang sa tigil-putukan sa Gaza
Di-kukulangin sa 20 katao, nasawi sa pagsalakay ng Israel sa dakong gitna at hilaga ng Gaza Strip
Pagsalungat ng Israel sa “Two State Solution,” di-katangga-tanggap - pangkalahatang kalihim ng UN