Mga tripulante ng Shenzhou-16, ligtas na nakabalik sa Mundo

2023-10-31 16:12:39  CMG
Share with:

Dongfeng Landing Site, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hilagang Tsina – Lulan ang tatlong taikonaut na sina Jing Haipeng, Zhu Yangzhu at Gui Haichao, matagumpay na lumapag Martes, Oktubre 31, 2023 ang return capsule ng Shenzhou-16 manned mission.

 


Sa kanilang 154-araw na pananatili sa kalawakan, isinagawa ng mga taikonaut ang isang spacewalk, ibinigay ang isang palestra o lecture mula sa Space Station, at maraming beses na tumulong sa pagpapalabas ng kargamento mula sa istasyong pangkalawakan.

 


Ang Shenzhou-16 ay ang kauna-unahang crewed mission sa yugto ng aplikasyon at pag-unlad ng Istasyong Pangkalawakan ng Tsina.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio