Ipinahayag ngayong araw, Marso 4, 2024 ni Lou Qinjian, Tagapagsalita ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na ang matatag na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa komong hangarin ng komunidad ng daigdig.
Umaasa aniya siyang susundin ng Amerika ang mga pangako nito at isasakatuparan ang komong palagay na narating ng mga pangulo ng dalawang bansa sa San Francisco noong Nobyembre, 2023.
Saad niya, palagi at matatag ang paninindigang Tsino sa relasyon ng dalawang bansa, at ito ay ugnayang tumatalima sa paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperasyong may panalu-nalong resulta.
Ang taong 2024 ay ika-45 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, kaya kailangang pabutihin ng mga organong lehislatibo ng dalawang bansa ang pagpapalitan at diyalogo para gumanap ng konstruktibong papel sa matatag na pag-unlad ng relasyong ng dalawang bansa, dagdag niya.
Kaugnay ng halalang pampanguluhan ng Amerika, sinabi ni Lou na ito ay usaping panloob ng Amerika at walang pinapanigan ang Tsina hinggil dito.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio