Sa harapan ng Pasuguan ng Israel sa Amerika, sinunog ng 25 taong gulang na sundalong Amerikano na si Aaron Bushnell ang sarili, bilang protesta sa pananalakay ng Israel sa Palestina.
Pagkaraan ng pagkamatay ni Bushnell, tinukoy ng website na “Politico.com” ng Amerika na ito ang pag-a-upgrade ng poot sa loob ng pamahalaang Amerikano, at nagpapakita ng kawalang kasiyahan ng mga mamamayan sa polisya ng pamahalaan sa Israel.
Ayon sa ulat ng media ng Amerika, noong nagdaang Oktubre, idineploy ng Amerika ang special forces sa Israel.
Ang dali-daling paggamit ng tropang Amerikano ng dahas ay di-ikinasiya ni Bushnell, at isinaalang-alang minsan niya ang maagang pagreretiro.
Sa mga plataporma ng social media, tinatawag ng maraming Amerikanong netizen si Bushnell na “budhi ng Amerika,” at binatikos nila ang pamahalaang Amerikano na dapat may hiya ang sariling polisya sa Israel.
Sapul noong nagdaang Oktubre, halos 30 libong sibilyan ang namatay sa bagong round ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at halos 2 milyong mamamayan ang nawalan ng tahanan.
Pagkaraang sumiklab ang sagupaang ito, ikinababahala ng komunidad ng daigdig ang tuluy-tuloy na pag-a-upgrade ng Israel ng digmaan, at mariing hinihiling ang tigil-putukan.
Bilang bansang may mahalagang impluwensiya sa Gitnang Silangan, dinagdagan pa ng Amerika ang pagpapadala ng puwersang militar sa Gitnang Silangan, ipinagkaloob ang maraming saklolong militar sa Israel, at maraming beses nang hinadlangan ang pagpapatibay ng United Nations Security Council (UNSC) ng panukalang plano hinggil sa tigil-putukan sa Gaza Strip.
Ang mga ginawa ng panig Amerikano ay nagpasidhi ng masamang makataong kondisyon sa Gaza Strip, at nagpasulong ng kalagayan ng Gaza Strip sa mas mapanganib na direksyon.
Syempre, may kabayaran ang ganitong kilos: ang mga politikong Amerikano ay nawalan ng suporta mula sa mga mamamayan sa loob ng bansa, pati na rin ng katarungan sa arenang pandaigdig.
Gising na, ang budhi ng mga pulitikong Amerikano! Huwag tapakan ang karapatang pantao, sa katuwiran ng umano’y “karapatang pantao,” at huwag hadlangan ang pagsasakatuparan ng “two state solution.”
Salin: Vera
Pulido: Ramil