Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag ngayong araw, Marso 4, 2024 ni Lou Qinjian, Tagapagsalita ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na patuloy at matatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang sariling teritoryo, soberanya at karapatang pandagat.
Kasabay nito, kasama ng mga may kinalamang bansa, nakahanda rin aniya ang Tsina upang maayos na pangasiwaan ang isyu ng SCS sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ito ay para magkasamang mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon, aniya pa.
Ani Lou, tinututulan ng Tsina ang bloc confrontation, at ang kooperasyon ng Tsina sa mga karatig na bansa ay bukas at may pagbibigyan.
Saad pa niya, patuloy na palalalimin ng Tsina ang mapagkaibigang kooperasyon at komong kapakanan sa mga karatig na bansa para makinabang ang mas maraming bansa sa modernisasyong Tsino.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio