Bumisita kamakailan sa Beijing, Tsina, ang isang delegasyon sa pamumuno ni Suzanne P. Clark, Presidente at CEO ng U.S. Chamber of Commerce.
Binigyan diin ni Clark ng maraming beses, na ang mga kumpanyang Amerikano ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa pamilihang Tsino at ang U.S. Chamber of Commerce ay handang patuloy na suportahan ang pag-unlad ng mga kompanyang Amerikanong nasa Tsina at patuloy na palalimin ang relasyong pang-ekonomiya at pangkalakalan ng Sino-Amerika at kooperasyong kapwa kapaki-pakinabang.
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 4, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iginigiit ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, patuloy na lilikhain ang magandang kapaligiran ng negosyo, at magkakaloob ng higit pang suporta at kaginhawaan para sa mga kumpanya mula sa iba’t ibang bansa na mamuhunan sa Tsina.
Aniya, malugod na tinatanggap ng Tsina ang komunidad ng negosyo ng iba’t bansa na kinabibilangan ng Amerika, para patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina at ibahagi ang mga pagkakataon at benepisyo ng pag-unlad ng Tsina.
Salin:Sarah
Puildo:Ramil