Ayon sa government work report na isinumite Marso 5, 2024, sa pambansang lehislatura para sa pagsusuri, sa kasalukuyang taon, puspusang pasusulungin ng Tsina ang pagtatatag ng modernong sistemang industriyal, at pabibilisin ang pagpapaunlad ng makabagong kalidad na puwersang produktibo.
Inilista ng nasabing ulat ang isang serye ng mga kaukulang tungkulin, na kinabibilangan ng pag-optimisa at pag-a-upgrade ng industrial at supply chain; pagpapanatili ng matatag na takbo ng ekonomiyang industriyal; aktibong pagpaparami ng mga bagong sibol na industriya at future-oriented industry na gaya ng hydrogen power, makabagong materyales, biomanufacturing, commercial spaceflight, quantum technology at life sciences.
Pasusulungin din ng bansa ang inobatibong pag-unlad ng ekonomiyang didyital, at ilulunsad ang isang AI Plus Initiative.
Bukod pa riyan, patitibayin at palalakasin ng bansa ang namumunong puwesto nito sa mga industriyang gaya ng intelligent connected new-energy vehicles, anang ulat.
Salin: Vera
Pulido: Ramil