Humigit-kumulang 5% inaasahang target ng GDP, kayang abutin – opisyal na Tsino

2024-03-06 16:55:54  CMG
Share with:


Sa preskon ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa, Marso 6, 2024, sinabi ni Zheng Shanjie, Direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang humigit-kumulang 5% inaasahang target ng paglago ng kabuhayan (GDP) ng bansa ay itinakda, pagkatapos ng siyentipikong pagtalakay at pagsusuri.

 

Aniya, ito ay angkop sa taunang kahilingan ng Ika-14 na panlimahang taong plano, at tugma sa kabuuan ng nakatagong lakas ng paglago ng kabuhayan.

 

Kayang maaabot ang target na ito, dagdag ni Zheng.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio