Tsina at Pransya, palalakasin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan

2024-03-09 15:39:24  CMG
Share with:

Nagsagawa ng online na pag-uusap, kahapon, Marso 8, 2024, sina He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Bruno Le Maire, Ministro sa Ekonomiya, Pinansya, at Soberanyang Industriyal at Digital ng Pransya.

 

Nagpalitan sila ng palagay tungkol sa mga isyung may kinalaman sa relasyon ng dalawang bansa, na kinabibilangan ng Diyalogo sa Mataas na Antas hinggil sa Kabuhayan at Pinansya ng Tsina at Pransya.

 

Bilang puno ng panig Tsino ng diyalogong ito, ipinahayag ni He ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Pransya, na ipatupad ang mga mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Sinabi rin niyang, sa taong ito na ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, palalakasin ng Tsina at Pransya ang diyalogo sa kabuhayan at pinansya; palalalimin at palalawakin ang kooperasyon sa mga sector ng sasakyan, abiyasyon, at telekomunikasyon; at pasusulungin sa bagong antas ang bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

 

Si Le Maire naman ay puno ng panig Pranses ng nabanggit na diyalogo.

 

Sinabi niyang, palalakasin ng Pransya at Tsina ang pag-uugnayan para magbigay ng bagong lakas sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos