Ika-25 Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Pransya, idinaos sa Paris

2024-02-21 16:06:55  CMG
Share with:

Pebrero 20, 2024, sa Paris, Pransya – Magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa Mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Emmanuel Bonne, Diplomatikong Tagapayo ng Pangulong Pranses, ang Ika-25 Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Pransya.

 


Sinabi ni Bonne na mabisa ang estratehikong komunikasyon ng Tsina at Pransya, at mabunga ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mataas na antas.

 

Mahalaga aniya sa Pransya ang komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina at patuloy na nananangan ang bansa sa prinsipyong isang-Tsina. 

 

Kasama ng Tsina, nakahandang magsikap ang Pransya para harapin ang mga hamon, saad ni Bonne.

 

Suportado rin aniya ng Pransya ang estratehikong indipendiyensya ng Europa, at partnership ng Europa at Tsina.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Wang, na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, napagtibay ang pagtitiwalaan, at walang humpay na lumawak ang komong palagay ng isa’t-isa.

 

Sa bagong punto ng pagsisimula ng kasaysayan, dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Pransya, patnubayan ang estratehikong komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at itayo ang mas matatag at mas masiglang komprehensibong estratehikong partnership, upang ihatid ang mas malaking ambag sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa at kapayapaan ng buong daigdig, hayag ni Wang.

 

Aniya pa, ang Tsina at Europa ay mahahalang sentro ng multi-polar na progreso, kaya naman, suportado ng Tsina ang Europa sa pagpapalakas nito ng estratehikong independiyensya.

 

Para rito, nakahanda aniyang palakasin ng Tsina ang estratehikong komunikasyon sa Pransya para buuin ang mas maraming komong palagay at palakasin ang pagkakaisa at kooperasyon.

 

Malalim ding tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa mga usaping may kinalaman sa kapayapaan at katatagan, at kapuwa nilang ipinalalagay na ang multi-polar na pag-unlad ay napakahalaga para sa kapayapaan at katatagang pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio