Tsina: hindi payagan ang pakikialam ng mga bansa sa labas ng rehiyon sa isyu ng South China Sea

2024-03-11 23:17:00  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pahayag ng embahador ng Pilipinas sa Amerika, na naghahanap ang Pilipinas ng pagkakataon upang galugarin, kasama ng Amerika, Hapon, Australya, at ibang mga panig, ang mga yamang langis at gas sa South China Sea, sinabi ngayong araw, Marso 11, 2024, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng South China Sea ay sa pagitan ng Tsina at ilang bansang ASEAN, at iginigiit ng Tsina na maayos na hawakan, kasama ng mga bansang may direktang kinalaman sa isyung ito, ang mga pagkakaiba na kinabibilangan ng pagdating sa paggagalugad ng mga yaman, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.

 

Tinukoy ni Wang, na kung gagalugarin ng anumang bansa ang yaman sa South China Sea, hindi ito dapat makapinsala sa soberanya sa teritoryo at karapatang pandagat ng Tsina, at hindi dapat hikayatin sa suliraning ito ang mga bansa sa labas ng rehiyon.

 

Ang pakikialam ng mga bansa sa labas ng rehiyon sa isyu ng South China Sea ay lalo pang magpapasalimuot nito, dagdag niya.


Editor: Liu Kai