Ayon sa datos ng China State Railway Group Co., Ltd. (China Railway), Marso 10, 2024, mula noong Enero hanggang Pebrero ng taong ito, umabot sa 2,928 ang mga freight trip sa pagitan ng Tsina at Europa, at 317,000 Twenty-foot Equivalent Unit (TEUs) ang kabuuang bolyum ng inihatid na paninda.
Ito ay lumaki ng 9% at 10% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, hanggang noong katapusan ng nagdaang Pebrero, sumasaklaw ang China-Europe freight train sa 120 lunsod ng Tsina at 219 na lunsod naman ng 25 bansa sa Europa.
Ayon sa China Railway, pagpasok ng taong ito, tuluy-tuloy na pinapasulong ng kompanya ang de-kalidad na pag-unlad ng China-Europe freight train.
Pinapalakas din nito ang konstruksyon ng mga tsanel, pag-oorganisa at kalidad ng serbisyo ng tren.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: China-Europe Railway Express, nagpapakita ng malaking papel
Unang China-Europe freight train sa 2024, inilunsad ng Shanghai
China-Europe Railway Express, flagship project ng Belt and Road Cooperation—MOFA
Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa China-Europe Railway Express Cooperation Forum