Paggigiit ng mga miyembro ng UNSC sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan, ipinagdiinan ng Tsina

2024-03-12 15:59:28  CMG
Share with:

Sa bukas na debatehan hinggil sa pamamaraan ng mga gawain ng United Nations Security Council (UNSC) Lunes, Marso 11, 2024, ipinagdiinan ni Dai Bing, Chargé d'Affaires ng Pirmihang Delegasyon ng Tsina sa UN, na dapat igiit ng mga miyembro ng UNSC ang diwa ng pagbubuklod-buklod at pagtutulungan.

 

Aniya, bilang pinakamahalagang pandaigdigang mekanismo ng kolektibong seguridad, may espesyal na responsibilidad ang mga miyembro ng UNSC sa pagpapasulong sa kapayapaan at seguridad ng daigdig.

 

Dapat aniyang gawing patnubay ang simulain ng Karta ng UN, igiit ang paggagalangan at pantay na pagsasanggunian, magsikap na isaalang-alang ang makatwirang pagkabahala ng isa’t isa, pasulungin ang konstruktibong pagpapatingkad ng UNSC ng kinakailangang papel, at magkasamang pangalagaan ang reputasyon at awtoridad ng UNSC.

 

Saad ni Dai, sa mula’t mula pa’y mataimtim na ipinapatupad ng Tsina ang mga responsibilidad ng pirmihang kasaping bansa ng UNSC, at walang humpay na nagbubuod ng karanasan, upang mas mainam na ipagtanggol ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil