MOFA: pinapurihan ng Tsina ang mga kinauukulang mungkahi ng “Africa-China Dar es Salaam Consensus”

2024-03-12 16:07:14  CMG
Share with:

Sa ika-13 pulong ng China-Africa Think Tanks Forum na idinaos sa Salaam, Tanzania, inisyu ng mga iskolar ng Tsina at Aprika ang “Consensus Among African and Chinese Think Tanks on Deepening Global Development Cooperation”, na tinatawag ring “Africa-China Dar es Salaam Consensus.”

 

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 11, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinapurihan ng Tsina ang mga kinauukulang mungkahi na inilahad ng “Africa-China Dar es Salaam Consensus”, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Aprika, para pasulungin ang pag-unlad ng multipolaridad na mundo tungo sa pantay at maayos na direksyon, pasiglahin ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa pamamagitan ng globalisasyong pangkabuhayan.

 


Ipinahayag ni Wang na, sa mula’t mula pa’y ipinalalagay ng Tsina, Aprika at iba pang “Global South” ay mayroong karapatang magbahagi ng mga dibidendo ng globalisasyong pagkabuhayan at magtamo ng pagkakataon upang pabilisin ang malayang pag-unlad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil