Paninindigan ng Tsina sa isyu ng karapatang pantao, inilahad sa UN Human Rights Council

2024-03-16 17:35:38  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati kahapon, Marso 15, 2024, sa Ika-55 Sesyon ng United Nations (UN) Human Rights Council, inilahad ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa mga Tanggapan ng UN sa Geneva at ibang mga Organisasyong Pandaigdig sa Switzerland, ang mga natamong bunga ng Tsina sa usapin ng karapatang pantao, at mga paninindigan ng bansa sa isyu ng karapatang pantao.

 

Sinabi ni Chen, na aktibong lumalahok ang Tsina sa pandaigdigang pangangasiwa ng karapatang pantao, nagpapasulong sa pandaigdigang diyalogo at kooperasyon sa karapatang pantao, at naninindigan sa pagbibigay ng parehong halaga at balanseng pagpapasulong ng iba’t ibang uri ng karapatang pantao, lalung-lalo na ng pagpapabilis ng pagpapatupad ng mga karapatan sa kabuhayan, lipunan at kultura, at karapatan sa pag-unlad.

 

Tinukoy niyang, mahigpit ang pag-uugnayan ng kapayapaan, kaunlaran, at karapatang pantao. Nanawagan aniya ang Tsina para palakasin ng iba’t ibang ahensiya ng UN ang kooperasyon, at igarantiya ang makatarungan at obdiyektibong mga gawain ng mga organo ng UN sa karapatang pantao.

 

Ipinahayag din ni Chen, na batay sa prinsipyong “mamamayan muna,” natamo ng pamahalaang Tsino ang mga makasaysayang bunga sa usapin ng karapatang pantao, na gaya ng pagpawi ng absolutong kahirapan, pagpapasulong ng buong prosesong demokrasyang bayan, paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao alinsunod sa batas, pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga matatanda, may-kapansanan, bata, at kababaihan, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos