Panuntunan sa pangangasiwang pangkapaligiran sa magkakaibang rehiyon, inilabas ng Tsina

2024-03-18 16:03:51  CMG
Share with:

Magkasanib na inisyu ng mga tanggapang heneral ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa ang mga patnubay hinggil sa pangangasiwa sa kapaligiran, alinsunod sa espesyal na kondisyon ng magkakaibang rehiyon.

 

Anang mga patnubay, importante ang pangangasiwa sa kapaligiran, sa mga espesyal na pamamaraang angkop sa kondisyon ng magkakaibang rehiyon, at kailangang buuin ang mga pulang linya para sa proteksyon ng mga ekosistema, kalidad ng kapaligiran, at makatuwirang paggamit ng mga likas na yaman.

 

Hanggang 2025, kailangang itatag sa kabuuan ang sistema ng pangangasiwa sa kapaligiran alinsunod sa espesyal na kondisyon ng magkakaibang rehiyon, at kompletuhin at ganap na bigyang-bisa ang ganitong sistema hanggang 2035, anang mga ito.


Inilahad din ng mga patnubay ang 18 detalyadong hakbangin sa 6 na aspektong kinabibilangan ng pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad, paggarantiya ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa mataas na lebel, pagpapalakas ng pagsusuperbisa at pagtasa, at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio