Tsina, tinututulan ang Amerika sa pagpigil ng mga karapatan ng Tsina sa pag-unlad sa ngalan ng kumpetisyon

2024-03-19 16:44:22  CMG
Share with:

Kaugnay ng ilang negatibong komento kamakailan ni Nicholas Burns, Embahador ng Amerika sa Tsina, sinabi Marso 18, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang mga pananalita ni Burns ay di-angkop sa mahalagang napagkasunduan sa pagitan ng mga lider ng estado ng Tsina at Amerika sa pulong sa San Francisco at hindi nakakatulong sa maayos at matatag na paglago ng relasyong Sino-Amerikano.

 


Sinabi ni Lin na tinututulan ng Tsina ang paggamit ng kumpetsiyon para turingan ang relasyong Sino-Amerikano, pag-atake sa Tsina, pakikialam ng Amerika sa mga suliraning panloob ng Tsina sa ilalim ng pagkukunwari ng mga karapatang pantao at pagpapahalaga, at paggamit ng Amerika sa kumpetisyon bilang dahilan para higpitan ang Tsina sa mga lehitimong karapatan sa pag-unlad.

 

Umaasa si Lin na isasakatuparan ng Amerika ang mahalagang napagkasunduan at pananaw na narating ng dalawang lider ng estado sa kanilang pagtatagpo sa San Francisco, at pasulungin ang matatag, malusog at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil