Pananalita ni Blinken hinggil sa Tsina, kinondena ng MOFA

2024-03-21 15:58:07  CMG
Share with:

Sa “Ika-3 Summit para sa Demokrasya,” Marso 18, 2024, sa Seoul, Timog Korea, sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na isang ulat ang inilabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika noong nakaraang taon.

 

Aniya, nakasalaysay rito kung paano pinipilipit ng pamahalaang Tsino ang pandaigdigang kapaligiran ng impormasyon.

 

Bilang tugon, ipinahayag Marso 20, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mahigpit na pagkondena at pagtutol ng Tsina.

 


Aniya, inilahad na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Amerika.

 

Tinukoy ni Lin na ang “Democracy versus Authoritarianism” na ipinalabas sa umano’y “Summit para sa Demokrasya” ay maling salaysay.

 

Diin niya, ang Amerika ang pinakamalaking pinagmumulan at taga-kalat ng pekeng impormasyon sa buong mundo, at malinaw ito sa lahat ng tao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio