Inulit kahapon, Marso 12, 2024 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na may di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa mga isla sa South China Sea (SCS).
Ipinahayag ni Wang na sa pananaw ng pangangalaga sa bilateral na relasyong Sino-Pilipino at katatagan at kapayapaan ng SCS, iniharap ng panig Tsino ang mga mungkahi at dokumento sa panig Pilipino hinggil sa paghawak ng kalagayang pandagat at pagsasagawa ng kooperasyong pandagat.
Aniya, ito ay nagpapakita ng katapatan at mabait na puso ng panig Tsino para sa pagpigil at paghawak sa mga hidwaan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Kaugnay ng walang sagot ng panig Pilipino hinggil sa mga mungkahi at dokumento ng Tsina, ikinalulungkot ito ni Wang.
Aniya pa, madalas na isinagawa ng panig Pilipino ang probokasyon at panghihimasok sa dagat at ito ay malubhang nakakapinsala sa pag-uugnayan at kooperasyon ng dalawang panig.
Saad pa ni Wang na sustenable ang paninindigang Tsino sa isyu ng SCS at nakahandang patuloy at maayos na hawakan, kasama ng Pilipinas, ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasangguanian.
Sabayang ginagamit ng panig Tsino ang mga hakbangin para matatag na pangalagaan ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat, dagdag pa ni Wang.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil
MOFA: pinapurihan ng Tsina ang mga kinauukulang mungkahi ng “Africa-China Dar es Salaam Consensus”
Tsina: hindi payagan ang pakikialam ng mga bansa sa labas ng rehiyon sa isyu ng South China Sea
Serbisyo ng China-Europe freight train, matibay na lumaki noong Enero at Pebrero
“China 2024,” artikulo ni Elias Jabbour, unang Tagapayong Ekonomiko ng NDB