Mga subsidyo at insentibo sa buwis ng Amerika para sa domestikong sektor ng chip ay diskriminasyon -Tsina

2024-03-22 17:03:41  CMG
Share with:

Bilang tugon sa kamakailang mga hakbangin ng Amerika sa sektor ng chip, sinabi ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC) na labis na pinapahaba ng Amerika ang konsepto ng pambansang seguridad, inabuso ang kontrol ng pagluluwas at ginulo ang pandaigdigang mga kadena ng industriya ng semiconductor.

 

Sinabi kahapon, Marso 21, 2024, ni He Yadong, Tagapagsalita ng MOC, na nagkakaloob ang Amerika ng napakalaking subsidyo at insentibo sa buwis sa domestikong sektor ng chip nito, at isinagawa din ang ilang hakbangin para pilitin ang ilang kumpanya na talikuran ang Tsina at piliin ang Amerika.

 


Aniya, ang naturang mga hakbangin ng Amerika ay diskriminasyon at lumalabag sa mga batas ng merkado at pandaigdigang tuntunin sa ekonomiya at kalakalan, na binabaluktot ang pandaigdigang mga kadena ng industriya ng semiconductor.

 

Nakatuon ang Tsina sa pagtataguyod ng mataas na antas ng pagbubukas at malugod na tinatanggap ang mga pandaigdigang kumpanya ng semiconductor na mamuhunan sa Tsina at palakasin ang malusog na pag-unlad ng pandaigdigang kadena ng industriya ng semiconductor, dagdag niya.

 

Bilang tugon sa Kagawaran ng Komersyo ng Amerika na isinasaalang-alang ang paglalagay ng ilang kompanyang Tsino ng chip na may kaugnayan sa Huawei sa listahan ng sanksyon, sinabi ni He na ang Tsina ay palagiang tumututol sa pamumulitika at pag-armas ng mga isyu sa ekonomiya, kalakalan at tekonolohikal.

 

Hinihimok ni He ang Amerika na itigil ang maling aksyon, at isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng mga negosyo nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil