Ipinahayag Huwebes, Marso 21, 2024 ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na hindi pinansin ng 34 na Pilipino sa payo at babala ng panig Tsino at iligal na pumunta sa Tiexian Jiao ng Tsina.
Dahil dito, isinagawa aniya ng mga tauhan ng CCG ang imbestigasyon at paghawak sa insidente batay sa batas.
Diin ni Gan, mayroong di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Tiexian Jiao at mga karagatan sa paligid nito, at ito ay lubos na alinsunod sa basehan ng kasaysayan at batas.
Saad pa niya, ang nabanggit na aksyon ng panig Pilipino ay paglapastangan sa soberanya at teritoryo ng Tsina at labag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at nakapinsala sa katatagan at kapayapaan ng SCS.
Matatag na tinututulan ng panig Tsino ang aksyong ito, dagdag ni Gan.
Hinimok niya ang panig Pilipino na agarang itigil ang mga mapanghimasok na aksyon.
Inulit din niyang patuloy na isasagawa ng CCG ang aksyon ng pagpapatupad ng batas sa karagatan na nasa hurisdiksyon ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio