Dahil sa pagbeto ng Tsina, Rusya, at Algeria, tinanggihan kahapon, Marso 22, 2024, ng United Nations Security Council (UNSC) ang panukalang resolusyon na iniharap ng Amerika tungkol sa tigil-putukan sa Gaza.
Bilang paliwanag sa desisyon ng Tsina, sinabi ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na ang naturang panukalang resolusyon ay iniharap ng Amerika, pagkaraang betuhin nito noong Pebrero 20 ang isa naunang panukala na resolusyon sa parehong isyu.
Pero aniya, sa pinaka-nukleong isyu ng tigil-putukan, hindi inilakip sa panukalang resolusyon ng Amerika ang kahilingan para sa agarang tigil-putukan. Ani Zhang, ito ay taliwas sa komong palagay ng UNSC at malayo rin sa inaasahan ng komunidad ng daigdig.
Dagdag ni Zhang, itinakda sa panukalang resolusyon ng Amerika ang mga paunang kondisyon para sa tigil-putukan, at ito ay, sa katotohanan, magbigay ng greenlight sa patuloy na operasyong militar ng Israel sa Gaza. Kaya aniya, ito ay hindi katanggap-tanggap.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos