Ayon sa China Coast Guard (CCG), isinagawa nito, ngayong araw, Marso 23, 2024, ang mga regulatory action laban sa mga bapor ng Pilipinas na ilegal na pumasok sa karagatang malapit sa Ren'ai Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina.
Sinabi ni Tagapagsalita Gan Yu ng CCG, na 18 araw lamang ang lumipas pagkaraan ng nagdaang misyon ng pagsusuplay, muling tinaliwas ng Pilipinas ang pangako nito at ipinadala ngayong araw ang dalawang bapor ng coast guard at isang bapor ng pagsuplay para ihatid ang mga materyal na pangkonstruksyon sa ilegal na nakasadsad na bapor pandigma sa Ren'ai Jiao.
Ani Gan, sa kabila ng paulit-ulit na babala at pagkontrol ng panig Tsino sa ruta ng paglalayag, sapilitang pumasok ang bapor ng pagsuplay ng Pilipinas sa karagatan ng Ren'ai Jiao. Pumagitna, hinarang, at pinalayas aniya ng CCG ang naturang mga bapor ng Pilipinas alinsunod sa batas, at hinawakan ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng makatwiran, legal, at propesyonal na paraan.
Dagdag ni Gan, ang naturang aksyon ng Pilipinas ay paglapastangan sa mga karapatan ng Tsina, pagpukaw ng kaguluhan sa South China Sea, at pagsira sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Nakahanda aniya anumang oras ang coast guard ng Tsina, para determinadong pangalagaan ang soberanya sa teritoryo at mga karapatan at kapakanan sa karagatan ng bansa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos