Embahador ng Pilipinas sa Tsina, pinatawag ng Ministring Panlabas ng Tsina

2024-03-20 16:25:57  CMG
Share with:

Kinatagpo, Martes, Marso 19, 2024 ni Liu Jinsong, Direktor Heneral ng Departamento ng mga Suliraning Asyano ng Ministring Panlabas ng Tsina si Jaime FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, para makipagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa pundamental na simulain at estratehikong direksyon ng relasyong Sino-Pilipino.

 

Inihayag ni Liu ang pagkadismaya at matatag na paninindigan ng panig Tsino, kaugnay ng mga negatibong pananalita ng panig Pilipino na may kinalaman sa Tsina, at Taiwan at South China Sea.

 

Sinabi naman ni FlorCruz, na nakahanda ang Pilipinas na kontrolin ang alitan, at pasulungin ang matatag na pagbuti ng relasyon sa Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio