Instalasyon ng unang deepwater jacket na “Haiji-2” sa Asya, sinimulan

2024-03-25 16:27:01  CMG
Share with:

Sinimulan Linggo, Marso 24, 2024 sa lunsod Zhuhai, lalawigang Guangdong sa timog Tsina, ang offshore installation ng Haiji-2, unang deepwater jacket sa Asya.

 

Matapos ang 3 araw na intalasyon, lilikhain ng Haiji-2 ang ilang bagong rekord sa Asya, na kinabibilangan ng lalim, taas at timbang ng operating water.

 


Gamit ang mahigit 20,000 toneladang high-strength steel, umaabot sa 338 metro ang taas ng Haiji-2, at tumitimbang ng 37,000 tonelada.

 

Ang Haiji-2 ay independiyenteng idinisenyo at idinebelop ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC).

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio