Sa China Development Forum 2024 na binuksan, Marso 24, 2024 sa Beijing, inihayag ni Lan Fo’an, Ministro ng Pinansya ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, magpopokus ang kanyang ministri sa pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad, at pagpaparami ng makabagong kalidad na produktibong puwersa, para puspusang pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
Inilahad ni Lan ang mga priyoridad ng gawain sa limang aspekto:
Una, susuportahan ang mabilis na pagpapaunlad ng makabagong kalidad na produktibong puwersa, at patitingkarin ang lakas-panulak sa de-kalidad na pag-unlad.
Ika-2, susuportahan ang pagpapalawak ng mabisang pangangailangan, at palalakasin ang domestikong lakas-panulak sa pag-unlad.
Ika-3, susuportahan ang pagpapabuti ng pamumuhay at biyaya ng mga mamamayan, para hayaan ang lahat ng mga mamamayan na magtamasa ng bunga ng pag-unlad.
Ika-4, susuportahan ang pagpapalawak ng mataas na antas na pagbubukas sa labas, at aktibong sasali sa pandaigdigang pangangasiwang ekonomiko.
At ika-5, palalalimin ang reporma sa sistema ng pananalapi at buwis, para palakasin ang kakayahan sa sustenableng pag-unlad.
Salin: Vera
Pulido: Rhio