MOFA: Hindi pa tinitiyak ang linya-hanggahan ng Tsina at India

2024-03-26 11:07:49  CMG
Share with:

Ipinahayag Lunes, Marso 25, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na hindi pa tinitiyak ang linya-hanggahan ng Tsina at India at sa kasalukuyan, ang hanggahan ng dalawang bansa ay nahahati pa lang sa sektor ng silangan, gitna, kanluran at Sikkim.

 

Ani Lin, ang sektor ng Zangnan sa silangan ay nabibilang sa teritoryo ng Tsina at bago iligal na sinakop ng India ang lugar na ito noong 1987, palagiang isinasagawa ng Tsina ang mabisang administratibong pangangasiwa dito.

 

Tinukoy ni Lin na ang di-umano’y Arunachal Pradesh ay itinatag ng India sa teritoryo ng Tsina na iligal na sinakop nito at matatag na tinutulan ito ng panig Tsino.

 

Mahigpit na tinututulan ito ng panig Tsino at hindi nagbabago ang paninindigang Tsino, dagdag ni Lin.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil