Kaugnay ng sinabi, Marso 13, 2024 ni Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika, na ang mga de-kuryenteng sasakyan ng Tsina ay banta sa pribasiya ng mga Amerikano at pambansang seguridad ng Amerika, inilahad sa parehong araw ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na sa pangangatuwiran ng seguridad sa datos, isinagawa ng Amerika ang limitasyon sa daloy ng datos sa mga di-umanoy “countries of concern” at ipinatalastas ang imbestigasyon sa mga kotseng nagmumula sa mga ito.
Ang nasabing aksyong ay pagmamalabis aniya sa pambansang seguridad at pagbibigay-dagok sa pag-unlad ng mga bahay-kalakal ng ibang bansa.
Hinimok ni Wang ang Amerika na pangalagaan ang bukas na kapaligiran ng negosyo; isulong ang makatarungan at walang diskriminasyong pakikitungo sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon; balangkasin, kasama ng iba’t-ibang panig, ang pandaigdigang tadhana ng seguridad sa datos; at pasulungin ang maayos at malayang daloy ng datos sa daigdig.
Saad pa niya, sa mula’t mula pa’y hindi isinasagawa ng Tsina ang labis na limitasyon sa espesyal na bansa at bahay-kalakal.
Ayon sa batas at tadhana ng Tsina, tatanggapin sa merkadong Tsino ang pagpasok ng mga bahay-kalakal at produkto mula sa iba’t-ibang bansa, dagdag niya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio