Duda ng media ng Hapon sa lebel ng tritium sa wastewater ng mga nuclear power plant ng Tsina, pumipilipit sa katotohanan – MOFA

2024-03-13 16:19:18  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ng media ng Hapon na ang lebel ng tritium sa wastewater ng mga nuclear power plant ng Tsina ay mas mataas kaysa nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima Daiichi Power Plant ng Hapon.

 

Kaugnay nito, inihayag Martes, Marso 12, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina na may esensyal na pagkakaiba sa nuklear na kontaminadong tubig sa aksidente ng Fukushima ang liquid effluent mula sa normal na takbo ng mga nuclear power plant ng iba’t ibang bansa sa daigdig.

 

Hindi dapat ilakip ang mga ito sa parehong kategorya, at ito ang komong kamalayan, dagdag niya.

 

Tinukoy ni Wang na ang nuklear na kontaminadong tubig ay mula sa cooling water na ibinuhos sa mga nasirang reactor core, at seepage ng groundwater at rainwater pagkatapos ng aksidenteng nuklear.

 

Mayroon itong iba’t ibang radionuclide mula sa nasirang reactor core, at di-madali itong hawakan, aniya.

 

Saad ni Wang, ang kaukulang ulat ng media ng Hapon ay nagpokus sa tritium lamang, para likhain ang maling impresyong may tritium lang ang nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima.

 

Ito ay pumipilipit sa katotohanan, at nanlilinlang sa publiko.

 

Hinimok niya ang kaukulang media na itigil ang di-propesyonal at di-responsableng pagkokober.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil