Kaugnay ng katatapos na ika-2 round ng shuttle diplomacy ng Tsina hinggil sa pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine, ipinahayag kahapon, Marso 12, 2024 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na patuloy na igigiit ng Tsina ang pagpapasulong ng kapayapaan at talastasan at gaganapin ang konstruktibong papel para sa pagpapasulong ng pulitikal na paglutas sa krisis na ito.
Mula Marso 2 hanggang 12, bumisita si Li Hui, Espsyal na Sugo ng Pamahalaang Tsino sa mga Suliranin ng Europa at Asya, sa Rusya, Punong Himpilan ng Unyong Europeo, Poland, Ukraine, Alemanya at Pransya at nakipag-usap sa iba’t ibang panig hinggil sa pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine.
Ani Wang, lubos na pinahalagahan ng iba’t ibang panig ang pagdalaw ni Li at hinangaan ang pagsisikap ng panig Tsino para sa pagpapasulong ng kapayapaan at talastasan sa krisis ng Ukraine.
Ipinahayag ni Wang na sapul nang komprehensibong lumala ang krisis ng Ukraine ng mahigit dalawang taon, palagiang iginigiit ng Tsina ang obdiyektibo at makatarungang paninindigan at nagsisikap para sa tigil-putukan at mapayapang talastasan hinggil dito.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil
MOFA: May di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa mga isla sa SCS
MOFA: pinapurihan ng Tsina ang mga kinauukulang mungkahi ng “Africa-China Dar es Salaam Consensus”
MOFA: inaasahan at hinihikayat ang higit pang pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika
Sugong Tsino: paglala ng krisis ng Ukraine, di-angkop sa kapakanan ng Tsina at Alemanya