Tsina, hinimok ang Amerika na itigil ang pakikialam sa suliranin ng Hong Kong

2024-03-26 14:42:09  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pananalita kamakailan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa Safeguarding National Security Ordinance ng Hong Kong, ipinahayag Marso 25, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na lubos na ikinalulungkot at matatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagdungis at pag-atake ng panig Amerikano sa ordinansa ng Hong Kong.

 

Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Idiniin ni Lin na ang suliranin ng Hong Kong ay nabibilang sa suliraning panloob ng Tsina at walang kapangyarihan ang anumang dayuhang bansa sa pakikialam sa isyung ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil