CMG Komentaryo: Safeguarding National Security Ordinance, malakas na garantiya sa pag-unlad ng Hong Kong

2024-03-21 07:54:15  CMG
Share with:

 

Pinagtibay, Marso 19, 2024 ng Legislative Council (LegCo) ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong (HKSAR) ang Safeguarding National Security Ordinance para isakatuparan ang tungkuling konstitisyonal na itinakda sa Article 23 ng HKSAR Basic Law.

 

Noong 2020, isinapubliko ng Tsina ang batas ng pangangalaga sa pambansang seguridad sa Hong Kong, at ang nabanggit na ordinansa ay kaugnay ng pina-iiral na batas para igarantiya ang pangmatalagang katatagan at kapayapaan ng Hong Kong.

 

Ang batas sa pambansang seguridad ay hindi lamang sa Tsina, mayroon ding ganito ang mga kanluraning bansa na gaya ng Amerika, Britanya, Pransya, Alemanya, Canada at Australia.

 

Maliwanag na ginamit ng Safeguarding National Security Ordinance ng Hong Kong ang paggalang at garantiya sa karapatang pantao bilang mahalagang prinsipyo.

 

Itinakda rin sa ordinansa ang pangangalaga sa mga karapatan at kalayaan na napapaloob sa saligang batas ng Hong Kong, at kinikilala nito ang tadhana ng mga pandaigdigang batas na angkop sa kalagayan ng HKSAR.

 

Ang seguridad ay unang kondisyon ng pag-unlad.

 

Ang Safeguarding National Security Ordinance ay isa lamang tugon sa mga kilos at aksyong nagbabanta sa pambansang seguridad, at hindi para sa mga kasong krimen, at alitang komersyal.

 

Hindi ito nakatuon sa normal na aksyong komersyal at pagpapalagayang pandaigdig.

 

Kaya, ang naturang ordinansa ay hindi lamang garantiya sa seguridad ng Hong Kong, kundi isa ring magandang kapaligiran ng pag-unlad sa Hong Kong na nagpapalakas ng kompiyansa ng mga bahay-kalakal at negosyo at pamumuhunan sa Hong Kong.

 

Pormal na pa-iiralin ang Safeguarding National Security Ordinance sa Marso 23, 2024.

 

Dahil dito, siguradong magiging mas maganda ang kinabukasan ng Hong Kong at tatanggapin ng buong daigdig ang mas maraming pagkakataong dulot ng Hong Kong.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio