Idinaos mula Marso 25 hanggang 26, 2024 sa Indonesya, ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Ika-42 Meeting of the Joint Working Group on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Malalimang nagpalitan ng pananaw ang mga kalahok na bansa hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng South China Sea (SCS), pagpapatupad ng DOC, praktikal na kooperasyong pandagat at konsultasyon sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea at iba pang mga isyu.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga kalahok na ipagpatuloy ang komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC, maayos na hawakan ang mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, palalimin ang pragmatikong kooperasyong sa lahat ng lugar ng karagatan at makipagtulungan para kapit-bisig na mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa SCS.
Sinang-ayunan sa pulong ang isang plano ng gawain para sa pagsasakatuparan ng DOC sa 2024.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil