Mga produktong AI, inilabas ng CMG

2024-03-27 16:27:27  CMG
Share with:

Sa sidelines ng Boao Forum for Asia (BFA), inilabas ngayong araw, Marso 27, 2024 ng China Media Group (CMG) ang tatlong produktong AI para isalaysay ang mga klasikong katha at alamat ng tradisyonal na kulturang Tsino sa pamamagitan ng teknolohiya ng AI.

 

Sa seremonya ng pagsasapubliko, sinabi ni Fan Yun, Pangalawang Editor-in-Chief ng CMG at Editor-in-Chief ng China Global Television Network (CGTN), na binalangkas na ng CMG ang unang regulasyon para gawing pamantayan ang mga kilos ng paggamit ng teknolohiya ng AI.

 

Bukod dito, inilahad ni Fan ang mga karanasan ng CMG sa paggamit ng teknolohiya ng AI sa pagpoprodyus ng mga programa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil