CMG Komentaryo: Ano ang impormasyong ipinadala ng pagdalaw ng pangulo ng Nauru sa Tsina?

2024-03-27 15:06:49  CMG
Share with:

Mula Marso 24 hanggang 29, 2024, isinasagawa ni Pangulong David Adeang ng Nauru ang dalaw-pang-estado sa Tsina.

 

Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng pangulong Nauruan sapul nang panumbalikin ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Nauru noong Enero ng taong ito.

 

Sa kanyang pakikipag-usap kay Adeang, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kung lalago ang pagkakaibigan, saka lamang magiging maliwanag ang kapalaran nito; kung igigiit ang matapat na pakikitungo, saka lamang magiging mabungang mabunga ang kooperasyon.

 

Inihayag naman ng pangulong Nauruan ang kahandaang sundin ang prinsipyong isang-Tsina, at walang humpay na palalimin ang kooperasyon sa Tsina.

 


Bilang mga umuunlad na bansa, kapuwa isinasabalikat ng Tsina at Nauru ang tungkulin ng pag-unlad.

 

Ang kabuhayan ng Nauru ay nakadepende sa pagluluwas ng yaman at turismo, samantalang may buong kadenang industriyal ang Tsina, kaya isasakatuparan ng dalawang bansa ang pagkokomplemento ng mga bentahe, sa pamamagitan ng konstrusyon ng imprastruktura, kabuhaya’t kalakalan, at iba pa.

 

Sa panahon ng nasabing pagdalaw, nilagdaan ng Nauru, kasama ng Tsina, ang dokumentong pangkooperasyon ng Belt and Road.

 

Ayon sa magkasanib na pahayag ng dalawang bansa, nakahanda ang Tsina na palawakin ang pragmatikong kooperasyon sa Nauru sa mga larangang gaya ng kalakalan at pamumuhunan, imprastruktura, agrikultura at pangingisda, siyentipikong paggagalugad ng mga yamang mineral, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa, at ipagkaloob sa abot ng makakaya ang tulong para sa pagsasakatuparan ng Nauru ng independiyente’t sustenableng pag-unlad.

 

Ang Tsina at Nauru ay kapuwa miyembro ng Global South.

 

Ang kasalukuyang pagdalaw ni Pangulong Adeang sa Tsina ay makakapagpasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon ng mga bansang pulo sa Pasipiko at South-South Cooperation, at mangangalaga at makakapagpalawak din ng karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil