Pagkahalal ni Bassirou Diomaye Faye bilang pangulo ng Senegal, binati ni Xi Jinping

2024-03-29 16:54:49  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Huwebes, Marso 28, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Bassirou Diomaye Faye, upang bumati sa kanyang pagkahalal bilang pangulo ng Senegal.

 

Tinukoy ni Xi na sapul nang itatag ang ugnayang diplomatiko ng Tsina at Senegal, tuluy-tuloy na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mabungang mabunga ang kanilang pragmatikong kooperasyon, at mahigpit ang pagkokoordina ng kapuwa panig sa mga suliraning pandaigdig.

 

Lubos aniya niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Senegal, at nakahandang magsikap, kasama ni Faye, para magkasamang itaguyod ang Summit ng Forum on China-Africa Cooperation na gaganapin sa Tsina sa kasalukuyang taon, pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Senegalese at Sino-Aprikano, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil