Idinaos, Marso 29, 2024, sa Beijing, ang Ika-6 na Pulong ng China-European Union (EU) High-Level People-to-People Dialogue, sa ilalim ng magkasamang pamumuno nina Shen Yiqin, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Iliana Ivanova, Komisyoner ng EU sa Inobasyon, Pananaliksik, Kultura, Edukasyon, at Kabataan.
Sinabi ni Shen, na kailangang patingkarin ng dalawang panig ang papel ng nabanggit na diyalogo, at pasulungin ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa edukasyon, siyensiya’t teknolohiya, kultura, media, palakasan, kabataan, kababaihan, at iba pa, para magbigay ng bagong bitalidad at kasiglahan sa komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Europa.
Ipinahayag naman ni Ivanova, na ang pulong na ito ay bagong simula ng pagpapalitan at pagtutulungang tao-sa-tao ng Europa at Tsina. Nakahanda aniya ang EU na magsikap, kasama ng Tsina, para walang humpay na matamo ang mga bagong bunga sa aspektong ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos